KANAGAWA – Ang isang lalaking nasa kustodiya ng mga pulis dahil sa pagtatangkang pagtakas nito mula sa mga awtoridad sa Lungsod ng Yokohama noong nakaraang buwan ay nasampahan pa ng karagdahang kaso ng paggamit ng stimulant drugs, inihayag ng imbestigadorat iniulat ng Fuji News Network (Nob. 5).
Bandang 6: 00 pa lang ng umaga nuong Oktubre 16, si Junichi Sakurai, walang trabaho, ay nagmamaneho ng isang puting sedan nang bumangga siya sa ilang sasakyan sa isang kalsada malapit sa JR Yokohama Station.
Tinangka rin sana nitong tumakas habang tinanong ng mga pulis. Sa video footage na nai-post sa social media, naatrasan ni Sakurai ang isang sasakyan na bumangga naman sa isa pang sasakyan habang sinusubukan ng mga pulis na mabuksan ang pintuan ng drayber.
Sinakdal si Sakurai dahil sa salang pag-gambala sa mga tungkulin ng isang pampublikong lingkod nuong Miyerkules.
Sa araw din iyon, inakusahan ng pulis si Sakurai na gumagamit ng stimulant drugs, kung saan ito ay umamin, ayon sa mga pulis.
Sa pagiimbestiga sa sasakyan, natagpuan ng mga pulis ang may mga 100 syringes, pack ng pinaniniwalaan sa kakuseizai, o stimulant drug at 30 tablet ng malamang na MDMA, o Ecstasy.
Source and Image: Tokyo Reporter
Join the Conversation