Lalaking pinaghihinalaan na dumukot sa batang babae, hawak niya ng 2 buwan

Sinabi ng lalaki na ito ay "consensual." Sinabi din niya, “Naglayas siya.. Nais kong lang tumulong. "

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

SAITAMA – Inaresto ng Saitama Prefectural Police ang 47 taong gulang na lalaki dahil sa diumano’y pag-dukot sa isang dalagita at pagdadala sa nito sa kanyang tirahan sa Lungsod ng Sakado nang halos dalawang buwan, ayon sa ulat ng Sankei Shimbun (Nov. 4).

Sa pagitan ng Setyembre 9 at nitong Martes, si Noriaki Taguchi, may trabaho, ay itinago ang batang babae na residente ng Prepektura ng Miyazaki, sa kanyang tirahan kahit alam na nito na ang dalagita ay isang menor de edad.

Sa kanyang pagka-aresto,inamin ni Taguchi na itinatago niya ang dalaga, ngunit idinagdag niya na ito ay “consensual.” Sinabi din niya, “Naglayas siya.. Nais kong lang tumulong. ”

Ayon sa mga pulis, nakilala ng suspek ang dalaga sa pamamagitan ng isang social-networking service. “Kung makakapunta ka sa Saitama, ayos lang,” message niya upang hikayatin ang biktima.

Inireport ng ina ng batang babae ang pagkawala ng bata sa Miyazaki Prefectural Police noong Setyembre 9.

Ang sangkapulisan ng Saitama ay agad nagsikilos ng may matanggap silang tip mula sa Miyazaki, nagtagpuan ng mga pulis ang batang babae sa tirahan ng suspek noong Lunes, kasalukuyang ligtas at nasa mabuting kalagayan na ang biktima.

Dagdag pa ng mga pulis, malayang nakalibot at nakakagalaw ang dalaga sa nasabing tirahan.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund