TOKYO – Isang lalaki binuhusan ng kerosene ang kanyang katawan bago sinunog ang kanyang sarili sa kanyang tirahan sa Toshima Ward noong Miyerkules, ayon sa mga pulis, iniulat ng TBS News (Nob. 19).
Pasado 6:00 ng gabi, sumiklab ang apoy sa loob ng dalawang palapag na istrakturang kahoy sa Lugar ng Minaminagasaki. Ang lalaki, pinaniniwalaang nasa edad 50 na, ay kumpirmadong namatay.
Maya-maya ay dumating ang isang fire crew sa pinangyarihan upang puksain ang sunog. Gayunpaman, ang sunog ay nagdulot ng malaking pinsala sa ikalawang palapag.
Pinaniniwalaan ng mga imbestigador na isa itong kaso ng suicide.
Bago pa lang, sinabi ng lalaki sa kanyang amo na ninanais na niya kitilin ang kanyang buhay. Pagkatapos ay bumisita ang kanyang amo sa tirahan.
Matapos magbuhos ng lalaki ng petrolyo sa kanyang sarili, umakyat ito sa pangalawang palapag ng bahay at sinunog ang sarili.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng kapulisan ang mga pangyayaring humantong sa insidente.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation