Lalaki pinuno ng bato ang isang bag at inatake ang isang homeless na babae  

"Akala ko ang plastik na bote na mayroon ako sa bag ay masyadong magaan, kaya't naglagay ako ng mga bato na dinampot ko malapit din doon," sabi ng suspek.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Kazuhito Yoshida (Twitter)

TOKYO – Ang kapulisan ng Tokyo Metropolitan noong nakaraang linggo ay inaresto ang isang lalaki na pinaghihinalaang umatake at pumatay sa isang homeless na babae sa isang highway sa Shibuya Ward, iniulat ng NHK (Nob. 21).

Bandang 3:00 ng madaling araw noong Nobyembre 21, sumuko si Kazuhito Yoshida, walang trabaho, sa isang koban police box.

Nang maglaon ay kinasuhan ng kapulisan si Yoshida ng salang pagpatay. Inamin niya ang mga paratang. “Hindi ko akalaing mamamatay siya,” sabi ni Yoshida. “Akala ko kung nasugatan ko siya ay aalis na siya.”

Dakong 4:00 ng umaga noong Nobyembre 16, hinampas umano ni Yoshida si Misako Obayashi, 64, sa ulo habang nakaupo ang biktima sa isang bus stop sa kahabaan ng highway Koshu Kaido sa lugar ng Hatagaya.

Matapos matagpuan na nakahandusay mga isang oras makalipas, nakumpirma siyang namatay sa isang ospital dahil sa subarachnoid hemorrhage.

Boteng plastik na puno ng mga bato

Si Obayashi, na walang tirahan, ay namamalagi sa bus stop, na matatagpuan may 500 metro mula sa Sasazuka Station.

Upang makilala si Obayashi, ginamit ng mga pulis ang isang note na natagpuan sa kanyang mga pag-aari, na naglalaman ng impormasyon ng mga taong kilala niya, ayon sa Mainichi Shimbun (Nob. 23).

Ipinapakita sa footage ng security camera si Obayashi na nakaupo sa bus stop bago ang insidente. Ang lalaking pinaniniwalaan na si Yoshida lumitaw at hinampas ang biktima sa kanyang ulo gamit ang isang bag, na naging sanhi ng pagkahulog nito.

Si Yoshida, na nakatira sa kalapit na Sasazuka, ay nagsabi sa mga pulis na ang bag ay may isang plastik na bote na pinuno niya ng mga bato bago isagawa ang krimen.

“Akala ko ang plastik na bote na mayroon ako sa bag ay masyadong magaan, kaya’t naglagay ako ng mga bato na dinampot ko malapit din doon,” sabi ng suspek, ayon sa Mainichi.

Dagdag pa ni Yoshida na nagalit siya kay Obayashi matapos nitong tumanggi na umalis sa bus stop kahit na nang alukin niya itong bayaran ng isang araw bago ang insidente.

Si Obayashi ay nagtataglay ng kabuuang 8 yen na nakita rin sa kanyang mga pag-aari, pahayag ng mga pulis.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund