TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 22 taong-gulang na lalaki dahil sa isang insidente ng hit-and-run sa Shinjuku Ward na nagresulta ng pagka-aksidente sa dalawang tao nitong simula ng taong ito, iniulat ng Sankei Shimbun (Nob. 16).
Bandang 4:45 ng hapon. nuong Hunyo 16, si Yukika Yamakado, walang trabaho, ay sumalpok sa dalawa pang kotse sa isang traffic light sa Kabukicho red-light district at tumakas sa pinangyarihan ng aksidente.
Ayon sa Shinjuku Police Station, ang mga lalaking driver ng mga kotse kung saan sumalpok ang suspek ay nagtamo ng hindi matukoy na pinsala, ayon pa sa mga pulis ng Shinjuku Police Station.
Sa kanyang pagka-aresto dahil sa salang hit and run at inflicting injury, ay kanyang mariing itinanggi , hindi na rin nagbigay ng kumento si Yamakado hinggil sa mga alegasyon, sabi ng nga pulis.
Bago naganap ang insidente, tinangka ng mga pulis na dalhin si Yamakado para sa Voluntary Questioning sa maraming lokasyon sa ward. Sa halip, sumakay siya sa loob ng kanyang sasakyan, at hindi pinapansin ang mga signal ng trapiko habang papalayo.
Pagkalipas ng tatlong araw, natagpuan ng mga pulis ang sasakyan ni Yamakado sa isang parking lot sa ward. At kanila ding natuklasan ang marijuana at kakuseizai, o stimulant drugs sa loob ng nasabing sasakyan.
Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa hinalang na possession of illegal drugs.
“Walang mga isyu sa mga pamamaraang ginamit sa pagtugis,” pahayag ni Nobuhito Goto, ang Vice-Chief ng Shinjuku Police Station.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation