Lalaki, arestado sa suspisyon sa paghanda ng kanyang himlayan sa isang lupa na pag-aari ng isang lokal sa Kanlurang Japan

Mariing umanong itinanggi ng suspek ang mga paratang, at sinasabing siya ang nagmamay-ari ng nasabing lupa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
  1. Ehime Prefectural Police Headquarters

MATSUYAMA – Isang 72 taong gulang na lalaki sa Prepektura ng Ehime sa Japan ay inaresto noong Nobyembre 27 dahil sa diumano’y naglalagak ng sariling himlayan sa lupain na pagma-may ari ng ibang tao at wala ring pahintulot.

Ang mga awtoridad mula sa Shikokuchuo Police Station ng Ehime Prefectural Police ay inaresto si Atsuichi Ikawa, executive sa isang kumpanya mula sa Lungsod ng Shikokuchuo, sa kasong Taking Unlawful Possession of Real Estate. Sa pagitan ng unang bahagi ng Mayo at Agosto ng taong ito, ang suspek ay diumano’y naglagay ng halos 90 sentimetrong taas na kongkretong pundasyon at pinatungan ito ng isang 1 metro ang taas na tombstone sa isang bakanteng lote na pinamamahalaan ng isang lokal na lalaki na nasa edad 60. Ayon sa mga pulis ang lote ay nasa tapat ng kalsada mula sa tirahan ng suspek.

Ang Lot Manager ang nag-file ng isang reklamo sa mga awtoridad matapos mapansin ang libingan. Sinabi pa ng mga pulis, na ang mga katagang “Pamilyang Ikawa” at “itinayo ni Atsuichi Ikawa,” ay nakaukit sa gravestone. Ang concrete ay mayroon ding handrail upang maiwasan ang mga pagkadulas at pagbagsak.

Mariing umanong itinanggi ng suspek ang mga paratang, at sinasabing siya ang nagmamay-ari ng nasabing lupa. Hindi isiniwalat ng awtoridad ang ugnayan sa pagitan ng dalawang kalalakihan upang maiwasan ang anumang makakaapekto sa imbestigasyon.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund