MIE – Inaresto ng Mie Prefectural Police ang isang 23 taong gulang na lalaki dahil sa hindi pagbabayad ng kanyang hotel bill na umabot ng ¥5 milyong yen matapos ang manatili sa isang high end na hotel sa Lungsod ng Shima, iniulat ng Chunichi Shimbun (Nob. 3).
Sa loob ng 15 araw magmula noong Oktubre 18, si Koki Taketoshi, walang trabaho, ay nagkaroon ng napakalaking bill dahil sa room charges, pagkain at pagpapamasahe sa hotel, na matatagpuan sa lugar ng Hamajimacho.
Noong Lunes, nag-check out siya sa silid. Ngunit, hindi nito mabayaran ang bill.
Sa kaniyang pagka-aresto dahil sa salang Fraud, inamin ni Taketoshi ang mga alegasyon sinabi ng mga imbestigador ng Toba Police Station.
Ayon sa pa sa mga pulis, nagiimbita pa ang suspek ng iba tao na manatili kasama niya sa kanyang silid.
Matapos niyang hindi mabayaran ang naturang bill agad siyang sinamahan ng isang kawani ng hotel sa pinakamalapit na himpilian ng kapulisan.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation