CHIBA – Sinintensyahan ng Chiba District Court ang isang 38 taong gulang na lalaki ng 17 taong pagkakakulong sa pagpatay sa kanyang 75 taong gulang na ina noong 2018.
Ayon sa desisyon na ibinaba ng korte noong Biyernes, pinatay ni Motohiro Yamada ang kanyang ina na si Yoko sa kanilang bahay sa Lungsod ng Yachimata noong Setyembre 24, 2018, at matapos na mapatay ang ina ay kanyang nilagari ang katawan ng biktima sa pagitan ng Setyembre 25 at Setyembre 27, iniulat ng Fuji TV. Ang mga putol- putol na bahagi ng katawan ng ina ay kanyang isinilid niya sa isang kahon, at itinapon sa isang coastal area sa Prepektura ng Chiba.
Ang katawan ng biktima ay natagpuan sa baybayin ng Kujukuri noong Setyembre 29. Ang kanyang ulo at mga binti ay natagpuan makalipas ang ilang araw. Ang huling bahagi ng katawan ay natagpuan noong Oktubre 8.
Hindi ni-report ni Yamada na nawawala ang ina ngunit napag-alaman ang pagkakakilanlan nito dahil sa DNA test, dinala si Yamada sa istayon ng pulis upang makuha ang kanyang panig.
Ayon sa testimonya ni Yamada sa korte , nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo ng kanyang ina noong Setyembre 24 at malakas niyang niyugyog ang balikat ng ina. Kanya ding sinabi na natagpuan niyang patay na ang ina kinabukasan at kaya siya nagpanic.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation