Kapulisan ng Hokkaido, humihingi ng tulong upang makilala ang bangkay ng lalaki na natagpuan sa beach

Ang lalaki ay tinatayang nasa edad na 50. May taas nang halos 170 cm , at may katamtamang laki ng pangangatawan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang bangkay ng lalaki na naka-suot ng underwear at t-shirt ang natagpuan sa beach ng lungsod ng Obira nitong nakaraang linggo lamang.

HOKKAIDO – Humihingi ng tulong sa publiko ang Hokkaido Prefectural Police sa pagkikilanlan ng isang bangkay na lalaki na natagpuan sa isang beach sa bayan ng Obira noong nakaraang linggo, iniulat ng Hokkaido Cultural Broadcasting (Nob. 6).

Bandang 7:50 ng umaga noong Nobyembre 4, nakatanggap ang pulis ng isang tip mula sa isang passerby. “Kung ano ang tila isang sea lion ay isang tao pala,” sabi ng nag-report.

Ang pulis na agad rumisponde sa beach sa Onishikatoyohama ay natagpuan ang katawan na nakahandusay at nakadapa.

Base sa pagsusuri sa katawan ay walang nakitang mga palatandaan ng panlabas na sugat. Ang lalaki ay pinaniniwalaang namatay nang higit sa isang buwan bago ito natagpuan, ayon pa sa mga pulis.

Ang lalaki ay tinatayang nasa edad 50. May taas nang halos 170 cm , at may katamtamang laki ng pangangatawan.

Upang makatulong sa pagkakakilanlan, naglabas ang mga pulis ng mga litrato na nagpapakita ng kulay-abong underwear at maitim na shirt na suot ng biktima.

Sa mga taong may impormasyon sa kaso ay pinapayuhan na tumawag at makipag-ugnayan sa Rumoi Police Station sa 0164-42-0110.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund