Nais ng mga Japanese Trade Officials na malaman ng mundo na ang Sake ay hindi lamang ang tradisyunal na alak na maalok at pinagmamalaki ng bansa. Sinimulan nila ang isang proyekto upang ipakilala ang mga pandaigdigang connoisseurs sa Craft Spirit na kilala bilang “Shochu.”
Ang Japan External Trade Organization, o JETRO, ay nag-set up ng isang seksyon sa kanilang English website na tinatawag na “Discover Shochu.”
Ang spirit ay gawa ng pagbuburo ng mga butil o gulay tulad ng barley o kamote. Ipinapaliwanag ng bagong seksyon sa website kung paano ang Shochu, at ang Okinawa variety na “Awamori,” ay naiiba mula sa iba pang mga distilled spirits, tulad ng Gin at Vodka. Mayroong mga recipe para sa Shochu Cocktails na makikita sa nasabing website.
Plano ng organisayon na mag-host ng mga online meetings upang ang mga Japanese brewer ay maaaring makasama ang mga banyaga na mahilig sa alak at mga bartender.
Ang pag-export ng Sake ay umabot sa halos $220 milyong dolyar noong nakaraang taon. Ngunit ang pigura para sa Shochu at Awamori ay mas mababa ng ikasampu niyan.
Sinabi ng isang opisyal ng JETRO na ang potensyal para sa Shochu ay higit na malaki dahil sa malawakang pagsikat ng mga distilled spirits.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation