Humingi ng tulong ang kapulisan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng isang bangkay na natagpuan sa Fujisawa Beach

Ang lalaki ay namatay sa pagitan ng isa at dalawang linggo bago ito natagpuan, at pagkalunod ang naging sanhi ng pagpanaw nito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang bangkay na lalaki ang natagpuan sa Fujisawa city nitong buwan ng Hulyo.

KANAGAWA – Humihingi ng tulong sa publiko ang Kanagawa Prefectural Police upang matukoy ang pagkakakilanlan ng isang bangkay ng lalaki na natagpuan sa isang baybayin sa Lungsod ng Fujisawa nitong unang bahagi ng taong ito, ulat ng Kanagawa Shimbun (Nob. 18).

Noong Hulyo 14, natagpuan ng isang babae ang bangkay sa baybayin ng tabing dagat sa lugar ng Kugenumakaigan.

Ayon sa Fujisawa Police Station, ang lalaki ay pinaniniwalaang nasa edad 20 hanggang 40, at may katamtamang pangangatawan, at tinatayang nasa 166 sentimetro ang taas.

Ang bangkay ay nakasuot ng kayumangging t-shirt, orange na shorts at itim na damit panloob.

Ang lalaki ay namatay sa pagitan ng isa at dalawang linggo bago ito natagpuan, at pagkalunod ang naging sanhi ng pagpanaw nito, sinabi pa ng mga pulis.

Kung sinoman ang may impormasyon upang makatulong sa kaso ay maaring makipag-ugnayan at tumawag sa Fujisawa Police Station sa numero 0466-24-0110.

Source and Image: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund