Fetus, natagpuan sa trak ng basura sa Oshu

Ang katawan ay may sukat na 15 cm ang haba at may bigat na 60 gramo na nakadikit pa ang umbilical cord at hindi natukoy ang kasarian.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang fetus ang natagpuan sa loob ng isang truck ng basura sa Lungsod ng Oshu nuong ika-6 ng Nobyembre. (Twitter)

IWATE – Ang Iwate Prefectural Police ay naglunsad ng isang malawakang imbestigasyon matapos na matagpuan ang isang sanggol sa isang trak ng basura sa Lungsod ng Oshu noong nakaraang linggo, ulat ng Iwate Nippo (Nov. 6).

Bandang 9:00 ng umaga nuong Nobyembre 6, isang lalaki na empleyado ng pagkolekta ng basura ang nag-report sa kapulisan tungkol sa ” Isang bagay na tila isang tao” sa loob ng trak sa lugar ng Mizusawaku Nakauwanocho.

Ayon sa mga pulis, ang katawan ay may sukat na 15 cm ang haba at may bigat na 60 gramo na nakadikit pa ang umbilical cord at hindi natukoy ang kasarian.

Bago natagpuan ang bangkay ng sanggol, ang basurero at ang kanyang kasamahan ay nakapag- kolekta ng basura sa mahigit isang dosenang collection point sa mga lungsod mula 8:30 ng umaga, kung saan nakolekta ang bangkay ay hindi nila matukoy.

Ang katawan ay hindi nagpakita ng mga palatandaan ng pagkabulok. Ang resulta ng awtopsiya ay naka-iskedyul sa Linggo at ito ay gagamitin upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng naturang sanggol, dagdag pa ng mga pulis.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund