Dating accountant, 46, nilustay ang kinurakot na pondo sa branded na mga damit

"Sineseryoso namin ang pagkakatuklas sa mapanlinlang na aktibidad na ito, at magsisikap ang buong kumpanya upang maiwasan ang pang maulit ang ganitong pangyayari," ipinahayag ng kumpanya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang dating accountant sa isang kumpanya na nauugnay sa maritime dahil sa umano’y pagkurakot nang higit sa 100 milyong yen, iniulat ng TBS News (Nob. 6).

Sa higit sa 60 mga okasyon sa pagitan ng Abril 2014 at nuong nakaraang Nobyembre, si Yukiyo Kaneko, na noon ay nag-iisang accountant kumpanyang nakabase sa Minato Ward Kakuyo Shoji, ay nagsasabing nag-transfer ng kabuuan na ¥ 156 milyong yen sa sarili niyang account mula sa mga account ng kumpanya.

Yukiyo Kaneko

Sa kanyang pagka-aresto, inamin ni Kaneko ang mga paratang, sinabi ng mga imbestigador ng Atago Police Station.

Si Kaneko ay residente ng Lungsod ng Ageo , Prepektura ng Saitama. Sa pagsasakatuparan ng embezzlement gumawa siya ng mga fictiticious expenditures upang maipakita na pinagkagastusan ang pondo, ayon sa mga pulis.

Sinabi din ng mga pulis na si Kaneko ay ginamit ang higit sa ¥100 milyong yen ng nakurakot na pera upang bumili ng mga branded na damit at alahas sa iba’t ibang mga lokasyon, kasama ang sa isang high-end na boutique sa lugar ng Ginza ng Chuo Ward.

Natuklasan ng kumpanya ang embezzelment nuong unang bahagi ng taong ito. Si Kaneko ay sinisante noong Marso. Nagsumite ng reklamo ang kumpanya sa kapulisan.

“Sineseryoso namin ang pagkakatuklas sa mapanlinlang na aktibidad na ito, at magsisikap ang buong kumpanya upang maiwasan ang pang maulit ang ganitong pangyayari,” ipinahayag ng kumpanya sa isang mensahe na nai-post sa web site nito noong Abril.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund