Dalawang katao arestado sa salang pag-patay

Umaga ng Pebrero 1, 2016, natagpuan ang biktima ng kanyang asawa na duguan ang katawan at balot ang ulo ng adhesive tape.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

IBARAKI – Inaresto ng Ibaraki Prefectural Police ang dalawang katao sa hinalang pagpatay sa isang lalaki na natagpuang wala ng buhay sa kanyang bakuran sa bayan ng Shirosato apat na taon na ang nakalilipas, ulat ng NHK (Nob. 10).

Inakusahan ng kapulisan si Jun Uchida, 37 taong gulang na residente ng Lungsod ng Mito , at isa pang lalaki, 24, sa pagpatay at pagnanakaw sa 77 taong gulang na si Takei Kudo, na nagpapa-takbo at nagmamay-ari ng isang demolisyon at scrap na negosyo sa kanyang bakuran.

Hindi isiwalat ng mga pulis kung umamin ang mga suspek sa mga paratang. Hindi rin isiniwalat ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng pangalawang suspek dahil siya ay menor de edad nuong panahon na nangyari ang pamamaslang.

&nbspDalawang katao arestado sa salang pag-patay

Si Kudo ay nakatira sa nasabing yard kasama ang kanyang asawa. Umaga ng Pebrero 1, 2016, natagpuan siya ng kanyang asawa ang kanyang duguan na katawan at balot ang ulo ng adhesive tape.

Kalaunan natukoy ng mga imbestigador na ang sanhi ng pagkamatay ay pagkasakal dahil sa presyur na inilapat sa leeg ng biktima.

Sa oras ng insidente, si Uchida ay nakikipag-transaksyon kay Kudo. Karagdagan pa sa pagpatay, idinagdag pa ng mga pulis na si Uchida ay nagnanakaw ng 6 tonelada ng tanso at iba pang mga materyales na nagkakahalaga ng kabuuang ¥1.08 milyong yen mula sa bakuran.

Ang mga suspek ay naging person of interest sa kaso matapos ang pagsusuri sa footage kuha ng security camera.

Noong nakaraang buwan, ipinadala ng kapulisan ang mga suspek sa prosecutor dahil sa isa pang kaso ng pagnanakaw bago pa naganap ang pagpatay kay Kudo.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund