Construction worker, nasakote dahil sa pananaksak

Si Saito, na nagtamo ng mga saksak sa tiyan, ay kumpirmadong namatay sa isang ospital.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang construction worker ang sumaksak sa kanyang kakilala sa lungsod ng Miyazaki nitong Linggo. (Twitter)

MIYAZAKI – Inaresto ng Miyazaki Prefectural Police ang isang manggagawa sa konstruksyon dahil sa umano’y pananasak sa isang lalaki sa Lungsod ng Miyazaki, iniulat ng Kyodo News (Nob. 23).

Bandang 11:20 ng gabi nuong Linggo, natagpuan ng isang passerby si Otohiko Saito, 47, na nakahandusay at duguan sa isang kalye malapit sa JR Sadowara Station.

Si Saito, na nagtamo ng mga saksak sa tiyan, ay kumpirmadong namatay sa isang ospital dakong 12:30 ng Lunes, ayon sa Miyazaki-Kita Police Station.

Bilang bahagi ng imbestigasyon, nakuha ng pulisya ang isang patalim at hatchet mula sa crime scene.

Si Yoshiharu Hisatsune ay isang kakilala ng biktima. Batay sa testimonya ng saksi, ito ay naging person of interest ng kapulisan para sa kaso.

Sa kanyang pagka-aresto sa salang pagpatay nuong Lunes, inamin ni Hisatsune ang krimen.

Bago ang insidente, si Saito ay umiinom kasama ang mga kakilala sa isang kalapit na bar. Sa isang punto, narinig si Saito na nakikipagtalo sa telepono.

Patuloy na iniimbestigahan ng kapulisan ang mga pangyayaring humantong sa insidente.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund