Babaeng Vietnamese, pinaghihinalaang nag-abandona ng mga labi ng kambal na bagong silang

Dinala ng suspek ang mga bangkay na nasa kahon. Ang isang pusod ay nakakabit pa sa isa sa mga kambal na nakabalot sa tela.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

KUMAMOTO – Inaresto ng Kumamoto Prefectural Police ang isang 21 taong gulang na Vietnamese na babae dahil sa pag-abandona sa mga bangkay ng kanyang kambal na bagong silang na lalaki, iniulat ng Sankei Shimbun (Nob. 20).

Ayon sa Ashikita Police Station, ang suspek na si Le Thi Thuy Linh, isang teknikal na intern na nakatira sa Ashikita ay matapos maipanganak ang kambal na sanggol sa dormitoryo ng kanyang kumpanya
sa unang bbahagi ng buwang ito, inilagay niya umano ang mga bangkay sa loob ng isang kahon.

Sa kanyang pagka-aresto dahil sa salang abandoning a corpse nuong Huwebes, inamin ni Le ang mga paratang.

Nitong Lunes, dumating si Le sa isang ospital sa Lungsod ng Yatsushiro dala ang mga bangkay sa kahon. Ang isang pusod ay nakakabit pa sa isa sa mga kambal na nakabalot sa tela.

Ang kapulisan ay naglunsad ng isang pagsisiyasat matapos makatanggap ng isang tip mula sa isang kawani sa ospital. Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng pagkamatay ng mga sanggol.

Noong Setyembre 2018, dumating si Le sa Japan upang magtrabaho sa kumpanya, na nasa industriya ng agrikultura.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund