KANAGAWA – Inaresto ng Kanagawa Prefectural Police ang isang 29 taong gulang na babae dahil sa umano’y pananaksak sa kanyang kasintahan sa Lungsod ng Kawasaki , iniulat ng Kyodo News (Oktubre 31).
Sa pagitan ng Miyerkules o Huwebes, si Mai Takahashi, walang trabaho, ay pumasok sa tirahan ni Ryo Shirai, 35 taong gulang, accountant, sa Takatsu Ward. Kungsaan diumano niya sinasak ang kasintahan gamit ang isang kutsilyo sa tiyan.
Nang dahil sa isang tip ,agad na pinuntahan ng mga awtoridad ang tahanan noong Huwebes ng umaga at kanilang natagpuan na nakahandusay si Shirai at duguan.
Di naglaon ay nakumpirmang namatay ang biktima sa isang ospital, ayon sa pahayag ng mga imbestigador sa Takatsu Police Station.
Sa pagka-aresto sa suspek dahil sa salang Trespassing at Murder noong Biyernes, mariing itinanggi ni Takahashi, isang residente ng Lungsod ng Urayasu, Prepektura ng Chiba ang mga paratang laban sa kaniya, dagdag pa ng mga imbestigador na humahawak ng kaso.
Nakitaan din si Takahashi na may mga hiwa at malalim na sugat sa kanyang mga braso. Maliban sa mga iyon nasa maayos na kundisyon ang kalusugan ng babae.
Bandang 7:45 ng umaga noong Huwebes, inalerto ng ina ni Takahashi ang kapulisan tungkol sa “kaguluhan” sa loob ng tirahan ng anak.
Samantalang isang kutsilyo na may bahid ng dugo na pinaniniwalaang ginamit sa insidente ang natagpuan sa loob ng tirahan, sabi pa ng mga pulis.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation