TOKYO – Isang 23 taong gulang na babae ang kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan dahil sa diumano’y pagpatay at paglilibng nito ng bangkay ng kanyang bagong silang na anak sa isang parke sa Minato Ward noong nakaraang taon. , Ipinahayag.ng mga imbestigador, ayon sa ulat ni Jiji Press (Nob. 3).
Si Sayuri Kitai, isang clothing salesperson, ay nagsabi at umamin sa mga pulis na kanyang sinakal ang bagong silang niyang sanggol na babae noong gabi ng Nobyembre 3, 2019.
“Nanganak ako sa loob ng banyo sa Haneda Airport, at dahil hindi ko mapatigil ang pag-iyak ng sanggol pinasakan ko ito ng issue sa bibig,” sabi ni Kitai.
Nitong Linggo, inakusahan ng kapulisan si Kitai na paglilibing nito ng bangkay ng sanggol sa Italy Park sa lugar ng Higashi Shimbashi.
Plano ng mga awtoridad na mas pabigatin ang kaso ni Kitai sa pamamagitan ng posibleng pagdadag ng kasong pagpatay or murder.
“HINDI KO PINANGARAP ANG PAGKAKAROON NG ANAK.”
Si Kitai ay nakatira sa Lungsod ng Kobe, Prepekrura ng Hyogo kung saan siya ay naaresto , at dinala sa Atago Police Station sa Tokyo.
Ayon sa mga awtoridad, nakarating siya sa paliparan lulan ng flight mula Kobe noong gabi ng Nobyembre 3, 2019.
Batay sa kuha ng security camera sa paliparan, nasa loob siya ng isa sa mga banyo nang halos 40 minuto. At nagpalipas ng isang gabi sa hotel na kalapit ng airport, ngunit umalis din siya agad kinabukasan.
“Hindi ko pinangarap na magka-anak!,” pag-amin niya sa mga pulis, ayon sa Fuji News Network (Nob. 3).
Naglakbay sa Tokyo Monorail
Nitong umaga ng Nobyembre 8, nang dahil sa isang tip mula sa isang passerby na nakatagpo sa nakahandusay ng batang babae sa timog na bahagi ng Italy Park sa Shimbashi.
Ang umbilical cord ay nakakabit pa, at hindi pa rin natutukoy ang kasarian ng sanggol ng mga oras na iyon. At batay sa mga resulta ng isinagawang awtopsiya sa mga labi ng bata, lumalabas na suffocation ang naging sanhi ng kamatayan, dagdag pa ng mga pulis.
Si Kitai ay lumitaw bilang isang person of interest sa kaso matapos tiningnan at busisiin ng mga pulis ang mahigit-kumulang na 29,000 mga tao na lumitaw sa security camera footage na kinunan sa lugar.
Nagpunta si Kitai sa kabisera upang maghanap ng trabaho. Naniniwala ang mga pulis na nanganak ito sa paliparan at bumiyahe sakay ng Tokyo Monorail papunta sa parke bago ilibing ang katawan ng sanggol.
Sa oras ng insidente, si Kitai ay isang mag-aaral na pang-apat na taong unibersidad. Ang kanyang pagbubuntis ay nakarehistro sa isang tanggapan ng gobyerno. Nakatakdang manganak siya sa Disyembre.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation