Inilarawan ng isang akademikong nakabase sa Beijing ang pagbisita sa Tokyo ng Foreign Minister ng China na si Wang Yi bilang isang potensyal na hakbang patungo sa pag-alis ng bilateral tensions.
Si Propesor Lu Yaodong, mula sa Institute of Japanese Studies sa Chinese Academy of Social Science, tinalakay ang pagbisita sa NHK.
Sinabi ni Lu na ang pagpapaunlad ng mga ugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng pangalawa at pangatlong pinakamalaking ekonomiya sa mundo ay maaaring humantong sa pagpapagaan ng bilateral tension sa politika at seguridad.
Si Lu, na ang institusyon ay kaanib sa gobyerno ng China, idinagdag na ang agenda ay magiging isang early conclusions ng mga kasunduan sa malayang kalakalan sa pagitan ng Japan, China at South Korea.
Ang pagbisita ni Wang ay nangyari matapos ang 15 bansa na pirmahan ang Regional Comprehensive Economic Partnership, o RCEP, mas maaga sa buwang ito.
Sinabi ng isang manunulat ng NHK na ang pagdalaw ni Wang sa Japan, isang pangunahing susi para sa Estados Unidos, na maaari ding mag- layon sa pagguho ng isang encirclement na pinamunuan ng USA sa Tsina, habang tumindi ang mga hidwaan sa pagitan ng Tsina at Estados Unidos.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation