Ang Minister of Education ay hindi ikinukunsidera ang pagpapa-sara ng mga paaralan

Japan, hindi ikinukunsidera ang kahilingan para magsara ang mga paaralan, kahit pa idineklara ng gobyerno ang pangalawang State of Emergency dahil sa pagkalat ng coronavirus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng Minister of Education ay hindi ikinukunsidera ang pagpapa-sara ng mga paaralan

Sinabi ng Minister of Education ng Japan na hindi nito ikinukunsidera ang kahilingan para magsara ang mga paaralan, kahit pa idineklara ng gobyerno ang pangalawang State of Emergency dahil sa pagkalat ng coronavirus.

Sinabi ni Hagiuda Koichi sa mga reporter noong Biyernes na ang mga bata ay may mas maliit na tyansang magkaroon o mahawaan ng malubhang sintomas ng impeksyon, na hindi umano’y kumakalat at nagmumula sa mga paaralan. Dagdag pa ng Ministro na sa ngayon walang plano ang gobyerno na humiling ng isang pambasang pagsasara ng mga paaralan, kagaya nuong tag-sibol.

Sinabi ni Hagiuda na kung magdeklara ang gobyerno ng isa pang State of Emergency, magpapasya ang mga lokal na munisipalidad kung dapat isara ang mga paaralan.

Ipinahayag din niya na ang mga paaralan ay dapat nagsa-sara lamang kung ganap itong kinakailangan, pagkatapos isaalang-alang ang karapatan ng mga bata sa edukasyon at ang impluwensya sa kanilang kalusugang pangkaisipan at pisikal.

Idinagdag pa ni Hagiuda na ang Ministry ay nagpaplano na magkaroon nang Standardized University Entrance Exams sa Enero ayon sa naka-iskedyul na may mahigpit na mga hakbang laban sa impeksyon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund