TOKYO (Kyodo) – Malamang maghayag ang Punong Ministro na si Yoshihide Suga ng mga instruksyon sa mga ministro ng Gabinete sa Nobyembre 10 para sa compilation ng pangatlong extra budget para sa piskal na taon 2020 upang masuportahan ang halos bumagsak na ekonomiya dahil sa pandemya ng coronavirus, na posibleng lumagpas sa ¥10 Trilyong Yen ($9.6 bilyon), ayon sa isang mambabatas na parte ng Senior Ruling Party noong Biyernes.
Ang suplementary budget para sa taon hanggang Marso ay gagamitin upang i-finance ang planong pagpapalawak ng programa ng gobyerno sa Domestic Travel Subsidy at mga hakbang upang suportahan ang Labor Market, sinabi pa ng opisyal ng Liberal Democratic Party.
Magbibigay din ang badyet ng pondo upang maitaguyod ang digitalisasyon at pamumuhunan ng mga kumpanya upang palakasin ang mga supply chain, pagbutihin ang paghahanda sa kalamidad ng bansa at dagdagan ang suporta sa pananalapi para sa mga taong tumatanggap ng tulong para sa kanilang Fertility Treatment.
Ang DIET ay nakapagpasa na ng dalawang mga suplementary budget na nagkakahalaga ng halos ¥58 trilyong yen para sa kasalukuyang taon.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation