BEIJING- Ang bagong embahador ng Japan sa China na si Hideo Tarumi, ay ika-quarantine ng dalawang linggo sa kanyang tirahan sa Beijing ayon sa panukala ng gobyerno ng China, ayon sa mga opisyal ng Embahada ng Japan.
Dumating si Tarumi sa silangang daungan ng lungsod ng Qingdao sakay ng isang Civil Aircraft noong Miyerkules. Matapos ma-test para sa coronavirus, lilipat siya sa Beijing ng isang sasakyang na-charter ng Embahada ng Japan sa Huwebes at maguumpisa mamuno sa tanggapan, sabi pa ng mga opisyal.
Mula noong Marso, sinuspinde ng Tsina ang direktang mga flight sa pagitan ng Beijing at Tokyo na may layuning mapigilan ang virus na makapasok sa bansa.
Upang payagan si Tarumi na ma-quarantine sa kanyang tirahan, nagpasya ang gobyerno ng Japan na magtungo siya sa Beijing sa pamamagitan ng Qingdao, ang pinakamalapit na lungsod sa kabisera bukod sa iba pa sa China, kung saan ang mga airline ng Japan ay nag-alok ng direct flight.
Ayon sa mga familiar sources sa kanyang itinerary, tatagal ng walong oras si Tarumi bago makarating sa Beijing mula sa Qingdao sa pamamagitan ng isang sasakyan na may banyo upang maiwasan ang pakikipag-ugnay sa iba. Sasamahan siya ng kanyang asawa, ngunit ang chef para sa embahador ay ika-quaratine sa Qingdao.
Si Tarumi ay isang diplomat na “China School” na sumailalim sa pagsasanay sa wikang Tsino na may isang tiyak na pagtuon sa pagsusulong ng ugnayan sa China. Ang senior official ng Foreign Ministry, gayunpaman, ay itinuturing na isang “hard-liner” laban sa mainland.
Nagtapos ng Unibersidad ng Kyoto, si Tarumi ay nagsilbing isang ministro na responsable para sa mga gawaing pampulitika sa Japanese Embassy sa Beijing nang higit sa dalawang taon bago bumalik sa Tokyo noong 2013.
Ang Global Times, isang tabloid na kaakibat ng ruling Chinese Communist Party, noong Martes ay iniulat ang mga analista na nagsasabing, ” Si Tarumi ay kumipitente at maasahan na maabot ang mas pinag-tibay na relasyon sa China at Japan ng may mas mataas na antas sa panahon ng kanyang panunungkulan.”
Ang kanyang quarantine ay nakatakdang magtapos sa Disyembre 10.
Source: Japan Today
Join the Conversation