6 Vietnamese nationals na inakusahan ng pagpuslit ng Ecstasy sa loob ng pina-tuyong hipon

Lahat ng anim sa mga suspek ay itinanggi ang mga paratang at apat sa mga ito ay iligal na naninirahan sa Japan

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Nguyen Tien Manh. (Twitter)

TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang anim na Vietnamese Nationals dahil sa umano’y smuggling ng Ecstasy, ulat ng NHK (Nob. 9).

Ayon sa mga imbestigador, kasama sa mga suspek si Nguyen Tien Manh, 23 taong gulang na residente ng Lungsod ng Isesaki , Prepektura ng Gunma, at limang iba pa.

Noong nakaraang buwan, nagtulungan ang mga pinaghihinalaang personalidad na magpadala ng isang package na naglalaman ng humigit-kumulang sa 2000 na tablet ng MDMA, o Ecstasy, mula sa Vietnam papuntang Japan sa International Mail.

Ang mga tabletas, na may timbang na kabuuang 826 gramo, ay itinago sa loob ng 5 bag ng pinatuyong hipon. Ang kontrabando ay may tinatayang nagkaka-halaga ng ¥8 milyong yen, ayon sa mga pulis.

Naninirahan sa Japan nang iligal

Pagdating ng package sa Narita International Airport, ang mga tablet ay natagpuan ng isang kawani ng Customs ng Tokyo. Ang pakete ay naka-address sa tirahan ni Ngyuen sa Isesaki.

Lahat ng anim sa mga suspek ay itinanggi ang mga paratang. Apat sa mga ito ay iligal na naninirahan sa Japan, dagdag pa ng mga pulis.

Pinaniniwalaan din ng mga pulis na ang mga suspek ay miyembro ng isang smuggling ring.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund