131 na kataong gumamit ng “Go to Travel” nagkaroon ng coronavirus, ayon sa tagapag-salita ng pamahalaan ng Japan

May kabuoang 31.38 milyong katao ang gumamit ng central government's subsidy campaign sa pagitan ng July 22 at Oct. 15.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang car-free zone sa Ginza shopping district sa Chuo Ward ng kapitolyo ng bansa ay makikita na puno ng tao sa unang weekend matapos maka-sama
ang Tokyo sa “Go To Travel” subsidy campaign nuong Oct. 3, 2020. (The Mainichi)

TOKYO — Ayon kay Japan’s Chief Cabinet Secretary Katsunobu Kato, nitong press conference nuong  Nov. 10 na mayroong 131 katao na gumamit ng “Go To Travel” subsidy campaign na ang mithi ay palaguing muli ang domestic travel ay nagkaroon o nahawa ng coronavirus.

May kabuoang 31.38 milyong katao ang gumamit ng central government’s subsidy campaign sa pagitan ng July 22 at Oct. 15. Samantalang, wala sa mga gumamit ng “Go To Eat” campaign  na nag-mimithi na suportahan ang industriya ng food service ang nahawaan ng sakit, ayon sa pamahalaan.

Sinabi ni Kato, “Wala pang nai-uuIat na nahawa o kumalat na virus sa mga empleyado o iba pang mga tao sa hotels at iba pang sightseeing facilities sanhi ng mga taong gumamit ng  Go tovTravel campaign. Sa pamamagitan ng pakikipag- koordinasyon sa mga lokal ng pamahalaan at mga organisasyon at maingat na pag-obserba sa estado ng impeksyon, nais namin na magsa-gawa ng naaayong hakbang bilang tugon sa nasabing usapin.”

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund