NAGOYA — isang 12 meter kataas na Christmas Tree ang itinayo sa entrance ng JR Gate Tower at JR Nagoya Station sa sentrong lungsod ng Japan ang inilawan nitong ika-11 ng Nobyembre.
Bandang alas-5 ng hapon nuong araw na iyon, sinimulan ng ilawan ang makulay na illumination at ang mga tao ay natuwa. Ang tema para sa taong ito ay ” Pag-asa sa ating mga puso,” na ang mithi ay mapasaya at mag-bigay ngiti sa mga tao sa gitna ng nararanasang pandemiya sanhi ng coronavirus. Ang mga ilaw ay naka-set na magbago ng kulay kada 15 minutos kababay ng mga musika. Ang lighting-up ceremony para sa Christmas Tree ay ikinansela bilang hakbang upang maiwasang kumalat ang impeksyon.
Maaaring makita ng mga tao ang Christmas tree hanggang ika-25 ng Disyembre. Ang mga pailaw sa hilera ng mga puno sa kalsada sa paligid ng istasyon ay mag-tatagal ng hanggang katapusan ng Enero 2021.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation