1 ang napatay, 11 nasugatan sa banggaan ng Leisure Fishing Boat at isang Cargo Ship sa Ibaraki

Ayon sa Kashima Coast Guard Station, lahat ng 12 kataong sakay ng fishing boat - kung saan dalawa ang tripulante at 10 customer ay tumilapon sa dagat.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp1 ang napatay, 11 nasugatan sa banggaan ng Leisure Fishing Boat at isang Cargo Ship sa Ibaraki

Ang Yomiuri Shimbun

MITO – Isang Leisure Fishing Boat at isang Cargo Boat ang nag-salpukan sa Pantalan ng Kashima sa Prepektura ng Ibaraki noong Sabado ng umaga, patay ang isang pasahero at sugatan ang 11 iba pang sakay ng fishing boat, ayon sa isang lokal na Coast Guard Station.

Ang Third Regional Coast Guard Headquarters ay inalarma tungkol sa banggaang naganap dakong 5: 35 ng umaga ng parehong araw.

Ayon sa Kashima Coast Guard Station, lahat ng 12 kataong sakay ng fishing boat – kung saan dalawa ang tripulante at 10 customer ay tumilapon sa dagat. Lahat sila ay nailigtas mula sa tubig, ngunit sa kasamaang palad isang 46 taong gulang na lalaki mula sa Tokyo ang kinumpirma na namatay sa isang ospital kung saan siya dinala. Ang apat pa na kalalakihan mula sa Tokyo at Prepektura ng Yamanashi , na sakay ng fishing boat, ay isinugod sa ospital dahil sa mga bali ng buto at iba pang mga pinsala. Pitong iba pa ang nagtamo ng minor injuries. Ang mga tauhan ng cargo ship ay pawang mga ligtas.

Inaalam ng opisyal ng Coast Guard Station ang sanhi ng pagkakabanggaan.

Ang banggaan ay naganap sa pagitan ng isang Leisure Fishing Boat na Fudo Maru No. 5 at ng 498-toneladang Cargo Ship na Hayato. Matapos ang insidente, ang Fishing Boat ay nakita na nakalubog at ang bow na lamang nito ang natatanaw sa tubig malapit sa daungan, na kung saan naka-angkla ang Kashima at Kamisu.

Ayon sa isang lokal na fishery association na kinabibilangan ng fishing boat, ang Fudo Maru ay nagdadalubhasa sa Flounder Fishing. Ang pagkakabangga nito sa cargo ship ay naganap ilang minuto matapos na umalis ng port ang nasabing Fishing Boat bandang 5:00 ng umaga noong Sabado

Ang 34 taong gulang na kapitan ng Koei Maru No. 3, na kasama sa mga rescue activities ang nagsabing may narinig siya ng tawag na humihingi ng tulong at rescue mula sa cargo ship mga 5:30 ng umaga narinig din niya ang isang boses , “Tulong . ”

Dahil madilim ang lugar kung saan naganap ang aksidente, ang kapitan ay nagdala ng ilaw at itinutok sa ibabaw ng dagat kung saan nakita ang dalawang lalaki na naka-life jackets na inaanod ng tubig, Ang isa pang lalaki ay nasa katawan ng tumaob na bangka.

Ang kapitan ay naghagis ng mga life rings sa mga tao kung kaya’t sila ay nasagip mula sa dagat, na mga nanginginig dahil sa lamig, ika niya.

Source and Image: The Japan News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund