AICHI – Maaaring ito ang kapangyarihan ng panalangin.
Inaresto ng Aichi Prefectural Police ang dalawang lalaki sa salang pagnanakaw ng pera sa dambana sa Nagoya, ulat ng Nippon News Network (Oktubre 16).
Dakong 3:30 ng umaga noong Oktubre 10, si Yuya Yano, 21 at kanyang kasabwat na si, Koshiro Matsuda, 22, ay ninakaw umano ang humigit-kumulang na 30,000 yen na cash mula sa kahon ng pera sa Wakeoe Shrine sa Kita Ward.
Naglungsad ng pagiimbestiga ang kapulisan matapos itawag ng mga opisyal ng shrine ang insidente ng araw ding yun.
Noong Oktubre 11, nag-post ang isang taga- shrine ng footage ng security camera na ipinapakita ang mga salarin na nagsagawa ng krimen sa kanyang YouTube channel.
Sa footage, ipinapakita ang dalawang lalaki na tinatanggal ang isang kadena na nakakabit sa kahon ng pera at kinukuha ang bahaging naglalaman ng pera.
“Taos-puso kaming nagdarasal na maaresto ng kapulisan ang mga kriminal sa lalong madaling panahon,” isang mensahe na kasabay ng video ang mababasa. “Ang pera ng aming mga sumasamba ay nakatagpo ng mga magnanakaw, at dahil doon humihingi kami ng paumanhin.”
Noong Oktubre 13, sumuko si Yano sa pulisya. Makalipas ang dalawang araw, kusang sumuko naman si Matsuda sa isang istasyon ng pulisya upang umamin din sa krimen.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation