TOKYO
Sa dami ng bilang ng mga kaso ng coronavirus sa Tokyo dahil may iba na matitigas ang ulo ay mas nababahala ang mga eksperto sa banta ng 3rd wave ayon sa Metropolitan Assembly na nagpupulong upang talakayin ang mga posibleng pag-countermeasure.
Ang isa sa mga ideyang tatalakayin ay ang pagtatatag ng isang standardize ordinance upang pigilan ang mga tao na lumabas habang nahawahan ng covid.
May mga naitala na mga kaso ng mga taong nasuri na may COVID-19 na hindi pinapansin ang mga utos na manatili sa bahay at bilang resulta ay nakakahawa sila sa iba.
Upang magawa ito, inaasahan nilang maitaguyod ang umiiral na pambansang Batas sa Espesyal na Countermeasures Laban sa New-Type Flu at Iba pang Mga Impormasyon sa virus na itinatag noong 2012 ngunit pinalawak ngayong taon upang isama ang COVID-19. Ang batas na ito ay mananagot sa mga tao na may multa na hanggang 50,000 yen sa hindi pagpansin sa mga paghihigpit na inatasan ng gobyerno at makapanghawa ng iba. Pinaparusahan din nito ang mga negosyo sa pamamagitan ng multa at isa-publiko ang kanilang pangalan.
Join the Conversation