Tokyo bagong tahanan para sa LGBTQ Information Center

Ang indibidwal ay nagpahayag din ng pag-asa na ang center ay makakatulong upang lumikha ng isang lipunan na may bukas na pagiisip at tanggap ang ating pagkakaiba-iba.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTokyo bagong tahanan para sa LGBTQ Information Center

Isang center for Information and Communication para sa mga sexual minorities ang nagbukas sa Tokyo.

Ang Pride House Tokyo Legacy ay naitatag sa Shinjuku Ward ng kabisera ng isang pangkat ng organizations at mga kumpanya.

At sa opening event na naganap noong Linggo, isang tao na kamakailan lamang nag-ladlad bilang transgender ay nagsabi na sa isang perpektong mundo ang mga tao ay matututuhang irespeto ang pagiging unique ng bawat isa sa aten.

Ang indibidwal ay nagpahayag din ng pag-asa na ang center ay makakatulong upang lumikha ng isang lipunan na may bukas na pagiisip at tanggap ang ating pagkakaiba-iba.

Ang pasilidad ay may mga pribadong silid ng para sa counselling, isang silid-aklatan na may halos 600 mga libro tungkol sa mga isyu sa LGBTQ, at isang espasyo para sa mga events.

Pinaplano rin nitong magpalaganap ng impormasyon tungkol sa sexual minorities at Sports. Sinabi ng mga organizers ng Tokyo Olympics at Paralympics na ang “pagkakaisa sa pagkakaiba-iba” ay isang pangunahing konsepto ng nasabing Palaro.

Si Matsunaka Gon ay ang pangulo ng Consortium ng Pride House Tokyo. Sinabi niya na inaasahan niya na ang center ay magbibigay ng moral na suporta para sa mga miyembro ng LGBTQ. Sinabi din ni Matsunaka na inaasahan niya na ito ay magiging isang lugar kung saan ang mga miyembro ng komunidad ng LGBTQ ay maaaring kumunsulta sa iba at makipag-ugnayan nang walang pag-aalala.

Source and Image: NHK World Japan

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund