TOKYO
Ang game na “Super Mario” ay magiging isa nang real life action- kung saan tatalon ang mga manlalaro upang mangolekta ng mga coins at sasakay sa Mario Kart dahil magbubukas na ito sa susunod na spring sa Universal Studios Japan.
Ang bagong lugar ng amusement park sa Osaka ay orihinal na binalak na buksan sa Hulyo ngayong taon bago ang Tokyo Olympics, na may inaasahang dadagsain ng mga turista.
Ngunit ang pinakahihintay na Super Nintendo World zone, na nagtatampok din ng pagsakay batay sa minamahal na berdeng dinosaur na si Yoshi, ay magbubukas na sa spring ng 2021, sinabi ng parke sa isang pahayag noong Miyerkules.
Nag-aalok ito ng mga interactive na atraksyon kung saan ang mga bisita ay maaaring tumalon at pindutin ang mga bloke upang mangolekta ng mga barya at items, sinabi ng parke.
Naantala ang pagbubukas dahil ang Japan ay nagpataw ng mga panukala sa social distancing early this year upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.
Noong huling bahagi ng Pebrero ang buong park ay nagsara ng mga pintuan nito, ngunit ito ay unti-unting nagpatuloy ng operasyon mula noong Hunyo, na may mga pag-iingat sa kalinisan.
© 2020 AFP
Join the Conversation