Sikat na Japanese actress na si Suzu Hirose nahawaan ng covid-19

Si Hirose, 22, ay nag positibo sa coronavirus noong Martes matapos ang PCR testing kasama ang mga kapwa niyang artista na nasangkot sa kamakailang shooting ng pelikula, sinabi ng ahensya sa opisyal na website. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSikat na Japanese actress na si Suzu Hirose nahawaan ng covid-19

TOKYO

Ang sikat na Japanese actress na si Suzu Hirose ay nag positive sa coronavirus ngunit wala namang nararanasang anumang mga sintomas sa ngayon, sinabi ng kanyang ahensya noong Martes.

Si Hirose, 22, ay nag positibo sa coronavirus noong Martes matapos ang PCR testing kasama ang mga kapwa niyang artista na nasangkot sa kamakailang shooting ng pelikula, sinabi ng ahensya sa opisyal na website.

Wala naman siyang inirereklamong anumang mga abnormalidad sa kanyang kalusugan, idinagdag nito.

“Ikinalulungkot namin na naging sanhi ng pag alala ng mga co starts, kaibigan at mga fans,” sinabi ng ahensya sa isang pahayag, na idinagdag na susundin nito ang mga tagubilin mula sa mga awtoridad sa kalusugan at gumawa ng mga hakbang na pang-iwas upang matiyak ang kaligtasan para sa ibang mga kliyente ng ahensya pati na rin ang mga tauhan nito at mga staff.

Laking Shizuoka Prefecture, gitnang Japan, si Hirose ay lumitaw sa maraming mga pelikula at drama sa TV, kasama na ang dalawang bahagi na pelikulang “Chihayafuru” batay sa isang comic book na nagtatampok ng isang batang babae na naglalayong maging reyna ng isang tradisyonal na Japanese card game .

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund