TOKYO – Ipinahayag ng ahensyang nagma-manage sa sikat na Japanese Rockband na Akaiko-En ang pagpanaw ng isa sa kanilang miyembro na si Maisa Tsuno, na pinaniniwalaan ng kapulisan na isang kaso ng pagpapatiwakal.
Ang 29 taong gulang na gitarista at song writer ng banda ay isinugod sa isang ospital noong Linggo ng umaga, kung saan siya kalaunan ay binawian ng buhay.
Ayon sa mga taong malapit kay Tsuno , ang taong bumisita sa kanya sa Tokyo ang siyang nag-emergency call.
Ang pagkamatay ni Tsuno ay kasunod sa iba pang mga kamakailang kaso ng mga kilalang tao sa Japan na nagpakamatay o nagtangkang gawin ito, kasama na ang aktres na si Yuko Takeuchi.
Ang banda ay nabuo noong 2010 at sumikat dahil sa mga kantang ni-release noong 2012. Nakilala si Tsuno sa kantang kaniyang sinulat ang “Joy !!” para sa na-disband na ngayon na sikat na male pop group na SMAP pati na rin para sa kanyang appearances sa TV at radio.
Noong nakaraang buwan, si Takeuchi, 40, na nagwagi ng maraming mga parangal para sa kanyang mga roles sa mga pelikulang Hapon, ay natagpuang patay sa kanyang bahay sa Tokyo. Ang artista na si Sei Ashina, ang aktor na si Haruma Miura at Hana Kimura, isang miyembro ng cast ng isang reality TV show, ay nagpatiwakal o pinaniniwalaang na kinitil ang kanilang sariling mga buhay.
Kung ikaw o mayroong kakilala at maaaring nangangailangan ng pagpapayo, tawagan ang TELL sa 03-5774-0992.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation