Share
TOKOROZAWA, Saitama – Ang Seibuen Yuenchi, isang Amusement Park sa lungsod na ito , hilagang bahagi lamang ng Tokyo, ay isasara sa Nobyembre 1 para sa isang major reconstruction.
Ayon sa pahayag ng operator ng parke ng Seibu Railway Co. na ang pagsasara ay inilaan upang maipagpatuloy ang pagsasaayos na nagsimula noong Disyembre 2019. Hindi nabanggit ng Seibu kung gaano katagal aabutin ang makeover – na naglalayong baguhin ang parke sa isang “mundo kung saan ang mga bibisita ay makakaramdam ng heart warming euphoria”- muli itong mag-bubukas sa taong 2021.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation