Putol putol na katawan ng isang lalaki natagpuan sa apartment sa Prepektura ng Niigata

Ang bangkay, na nasa loob ng isang maleta, ay nabulok hanggang sa sukat na hindi matukoy ang kasarian nito nuong natagpuan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

NIIGATA – Ang pulisya sa Lungsod ng Kashiwazaki ,Prepektura ng Niigata noong Miyerkules ay nagsabi at naniniwala na ang natagpuang bangkay sa loob ng isang apartment ay ang 48 anyos na naninirahan doon.

Ang bangkay, na nasa loob ng isang maleta, ay nabulok hanggang sa sukat na hindi matukoy ang kasarian nito nuong natagpuan. Gayunpaman, isang pag-autopsy ang nagsiwalat noong Martes na ang labi ay isang lalaki at ang ulo ay pinutol ng isang matalim na instrumento, iniulat ng Fuji TV. Ang ulo ay wala sa apartment, sinabi ng pulisya.

Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng isang tawag mula sa isa pang residente ng dalawang palapag na gusali dakong 11:15 ng Lunes, na nagre-report ng masangsang na amoy na nagmumula sa unang palapag na apartment.

Sinabi ng mga kapitbahay na wala silang nakita o narinig na anupaman na hindi pangkaraniwan sa gusali.

Matatagpuan ang gusali ng halos dalawang kilometro mula sa JR Kashiwazaki Station.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund