Pulis ng Chiba: Natagpuang bangkay sa loob ng tangke nawawala ang kaliwang paa

Isang araw bago ang pagkakatuklas sa biktima, nakatanggap ang kapukisan ng report o tip tungkol sa "isang taong nasangkot sa mga kaguluhan isang linggo ang nakalilipas."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

CHIBA – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa isang fire cistern sa Lungsod ng Inzai noong Miyerkules at nawawala ang kaliwang paa nito, pahayagi ng mga pulis, ayon sa
ulat ng NHK (Oktubre 29).

&nbspPulis ng Chiba: Natagpuang bangkay sa loob ng tangke nawawala ang kaliwang paa

Pasado 11: 00 ng umaga, natagpuan ng mga pulis ang ang bangkay sa pamamagitan ng isang tip, ang bankay ng lalaking natagpuan sa loob ng tangke ay tinatayang nasa 40 hanggang 60 anyos.

Ayon pa sa mga pulis, laslas ang leeg at putol ang kaliwang paa ng biktima, At hindi nabanggit kung kanilang nahanap ang parte ng katawan ng biktima sa parehong lokasyon.

Isang araw bago ang pagkakatuklas sa biktima, nakatanggap ang kapukisan ng report o tip tungkol sa “isang taong nasangkot sa mga kaguluhan isang linggo ang nakalilipas.” Kaya’t agad ay nagsimula ang paghahanap sa lugar na malapit sa Kobayashi Station sa JR Narita Line.

Kasalukuyang inaalam ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng biktima at malinaw na isa itong kaso ng pagpatay o murder.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund