Share
TOKYO
Nakagawa ng vending machine ang maker na DyDo na paa lamang ang gagamitin sa pagbili upang maiwasan ang paghawak at malabanan ang impeksyon ng covid-19.
May isa itong simpleng disenyo ngunit mabisa at madaling gamitin. Ang kailangan mo lang gawin ay pindutin ang butones gamit ang inyong paa at i-tap ang numero ng bibilhin na inumin. Ang mga pindutan ay nasa ilalim ng makina.
Pagkukunin naman ang binili, may isa pang tapakan kung saan aangat ang plastic cover kung saan nalalaglag ang biniling inumin. Kaya’t makakasigurado kang wala kang mahahawakan na ibang parte.
Join the Conversation