Pananaksak sa isang Thai Restaurant ay nag-iwan ng 4 na Vietnamese na pawang sugatan

Ang pagtatalo ay naganap sa halos limang tao na nagsasalita ng banyagang wika maliban sa Vietnamese, dagdag pa ng mga pulis.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

IBARAKI – Inilunsad ng Ibaraki Prefectural Police ang isang imbestigasyon matapos na masaktan at masaksak ang apat na Vietnamese sa Lungsod ng Hokota noong Linggo, iniulat ng Ibaraki Shimbun (Oktubre 18).

Dakong 1:30 ng umaga, anim na mga Vietnamese ang bumisita sa Hokota Police Station na humihingi ng tulong. “Mayroong gulo at problema sa isang restawran, at may pananaksak na nagaganap.” sinabi ng isa sa kanila.

Sa anim, apat ang nagtamo ng sugat sa tiyan, balikat at ulo na mangangailangan ng hanggang tatlong linggo upang magpagaling.

Ayon pa sa mga pulis, ang insidente ay naganap sa isang Thai restawran sa Kamigama Area dakong 12:45 ng umaga.

Apat na Vietnamese national ang nasaksak sa nangyaring kaguluhan sa isang Thai Restaurant sa Lungsod ng Hokota nitong Linggo. (Twitter)

Ang apat na nasugatan na Vietnamese nationals, ay pawang mga technical interns, ay bahagi ng isang pangkat ng lima na nasa restawran.

Ang pagtatalo ay naganap sa halos limang tao na nagsasalita ng banyagang wika maliban sa Vietnamese, dagdag pa ng mga pulis.

Matapos ang insidente, ang limang iba pa, na hindi kilala ng mga Vietnamese, ay tumakas sa lugar. Kasalukuyang pinaghahanap ng kapulisan ang kinaroroonan ng mga ito.

Ang kasong ito ay maituturing na Attempted Murder.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund