Mahigit sa 10,000 mga dayuhan ang tinanggihan na makapasok sa Japan noong nakaraang taon. Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 12 taon na ang bilang ay lumampas sa figura na ito.
Ayon sa Immigration Services Agency ng Japan na 10,647 katao ang tinanggihan na makapasok sa bansa, mas mataas ng 1,468, o 16 porsyento, mula sa nakaraang taon.
Ang dahilan sa di-pagpayag na makapasok, ang pinakamalaking bilang ng katao na nasa 8,890 , o halos 80 porsyento ng kabuuan, ay dahil sa hinala sa kanilang hangarin kung bakit ginusto nila makapasok ng bansa.
Sinasabi ng mga taong iyon na nais nilang pumasok sa Japan para sa mga layunin kabilang ang pamamasyal, ngunit sa totoo lang, balak nilang magtrabaho ng iligal sa bansa.
Sa bansa , ang mga tao mula sa Tsina ang nanguna sa listahan na may 3,765, 1.8 beses noong nakaraang taon.
Ang mga tao mula sa Thailand ay 1,398 at ang mula sa Turkey ay 925.
Ang mga tao mula sa tatlong bansa ay umabot ng halos 60 porsyento ng kabuuan.
Sinabi ng ahensya na ang bilang ng mga taong tinanggihan sa pagpasok sa bansa ay dumaragdag kasama ang pagtaas ng bilang ng mga entry sa mga nagdaang taon.
Sinasabi nito na magsasagawa ito ng mahigpit na pag-screen upang maiwasan ang mga dayuhan na makapag-trabaho ng iligal sa Japan.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation