SAITAMA – Inanunsyo ng mga tagausig ang hindi pagkaso sa isang 22 taong gulang na lalaki na inakusahan sa pagdukot sa isang middle school na batang babae na nakilala niya sa online, ayon sa ulat ng Nippon News Network (Okt. 5).
Si Ginji Sato, walang trabaho, ay dinala ang isang menor de edad na dalaga sa isang hotel sa Tokyo nitong Setyembre 19 at 23.
“Dinukot ko siya, ngunit naisip kong siya ay 19 lang,” sinabi ng suspek sa Fukaya Police Station sa bahagyang pagtanggi sa mga paratang sa kanyang pagkaaresto.
Noong Oktubre 2, ipinahayag ng mga tagausig na kasama ang Saitama District Public Prosecutor’s Office ang hindi pag sampa ng kaso kay Sato. Walang inilabas na pahayag ang korte sa pagabswelto sa suspek.
Ayon sa kapulisan, nakilala ni Sato, residente sa Prepektura ng Oita, ang batang babae, na nakatira sa Saitama, sa pamamagitan ng social-networking service. “Gusto mong magkita di ba? Maaari tayong maglakbay sa loob ng 4 na araw nitong weekend. ” message niya sa batang babae upang maakit ang batang sumama.
Nang umalis ang batang babae sa kanilang bahay, paalam niya ay, “Pupuntahan ko si lolo.” Matapos siyang hindi makabalik, nag-repoet ng kanyang ina ang kapulisan hatinggabi ng Setyembre 22.
Source and Image: Tokyo Reporter
Join the Conversation