Lalaki, arestado sa unang kaso ng road rage sa Japan sa ilalim ng bagong batas

Sinabi pa ng mga pulis na plano nilang siyasatin ang kanyang posibleng pagkasangkot sa ilan pang mga katulad na insidente na dating naiulat sa lugar.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki, arestado sa unang kaso ng road rage sa Japan sa ilalim ng bagong batas

SAITAMA – Isang lalaking ang nasa kustodiya ng kapulisan sa salang pag-hihinala sa atake o assault sa bisa ng bagong labas na arrest warrant noong Lunes, siya ang kauna-unahang motorista na kinasuhan ng road rage sa ilalim ng kamakailang binagong batas pang-trapiko na naglalayong pigilan ang mapanganib na pagmamaneho.

Si Akihiko Narushima, 33, ay naaresto dahil sa hinihinalang pag-atake matapos ang isang insidente noong Oktubre 5 kung saan hinatak niya ang kwelyo ng isang lalaki na nasa edad 70 nang kumprontahin siya ng biktima tungkol sa kanyang pagbibisikleta.. Ang pinakabagong kaso ay nauugnay sa isang magkakahiwalay na insidente sa parehong araw.

Nasaksihan na dati ang kanyang pagbibisikleta sa hindi maayos na paraan na nahahadlangan ang trapiko sa mga lugar ng Okegawa at Ageo sa Prepektura ng Saitama ayon sa lokal na kapulisan.

Siya ay nasa probation sa oras ng hinihinalang pag-atake matapos na mahatulan noong Pebrero para sa isa pang insidente sa pagbisikleta noong nakaraang taon.

Sinasabi pa ng mga pulis na, bilang karagdagan sa pag-atake noong Oktubre, siya ay kasangkot din sa isa pang insidente ng road rage sa parehong araw.

Kinolekta ng mga awtoridad ang mga footage ng dashcam mula sa mga kotse sa lugar na naging tulay upang maikasa ang arrest warrant noong Lunes dahil sa sinasabing mapanganib na estilo sa pagbibisekleta sa harap ng kotse at nahahalangan ang daanan ng mga ito.

Sinabi pa ng mga pulis na plano nilang siyasatin ang kanyang posibleng pagkasangkot sa ilan pang mga katulad na insidente na dating naiulat sa lugar.

Binago ng Japan ang mga batas trapiko sa kalsada nito noong Hunyo upang palawakin ang saklaw ng mga pagkakasala na itinuturing na mapanganib na pagmamaneho, kasama na ngayon ang pagbibisikleta. Ang mga nasabing insidente ay maaaring maging isang criminal offense sa ilalim ng na-update na batas, isang pagbabago na dinala matapos ang isang serye ng mga aksidente sa car accident fatalities.

Source and Image : Japan Times

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund