TOKYO – Isang 88 taong gulang na lalaking na nasa death row mula pa noong 1999 dahil sa tatlong kaso ng pagpatay ay pumanaw sa sakit na pulmonya nitong Sabado ng umaga sa Tokyo Detention Center.
Ayon sa Justice Ministry, si Wasaburo Takada ay nasa hospital wing ng detention center mula pa noong Hunyo ng 2018, ayon sa pahayag ng Sankei Shimbun. Ang kanyang kalagayan ay lumala noong Biyernes ng gabi at tuluyan ng binawian ng buhay ng dakong 12:45 ng umaga noong Sabado. Sa kanyang pagkamatay ay nabawasan ang bilang ng mga bilanggo na nasa death row ng Japan sa 110.
Si Takada ay nahatulan ng 14 na taong pagkabilanggo dahil sa salang pagpatay at dalawa sa tatlong kaso ng pagpatay ay napatawan ng kaparusan ng kamatayan sa insidenteng kinasangkutan niya noong 1972 at 1974 sa Prepektura ng Saitama, iniulat ng Kyoto News.
Noong Pebrero taong 1972, nakipagsabwatan si Takada sa isang kaibigan na nasa real estate business at kasakasama niya sa pagsusugal na pagplanuhan patayin si Takao Kobayashi, 45 matapos madispalko ng kanyang kaibigan ang perang ipinagkatiwala ng biktima.
Labing-pitong buwan matapos hatawin ng martilyo hanggang sa mapatay ni Takada si Kobayashi , pinaslang niya ang real estate agent sa pamamagitan ng pagpalo sa kanya ng jack dahil sa takot na isuplong siya nito sa krimen na kanyang nagawa. At sa isang hiwalay na insidente noong Pebrero 1974, napatay ni Takada si Fujio Tajima, 32, sa pamamagitan ng paghampas sa kanya ng isang bato at pagkatapos ay winidraw nito ang kulang – kulang 3 milyong yen mula sa bank account ng biktima.
Source: Japan Today
Join the Conversation