Si Komeito, ang junior partner sa ruling coalition ng Japan, ay nakatakdang manawagan sa gobyerno na magbigay pa ng kaunting panahon kahit hanggang sa susunod na tagsibol ang kampanya nito upang buhayin at pasiglahin ang lokal na turismo.
Ang panawagan na mabigyan pa ng kaunting panahon ang kampanya na “Go To Travel” na bahagi ng isang hanay ng mga panukala na inihahanda ng partido na ipre-presenta sa gobyerno.
Magbibigay ang kampanya ng ilang mga benepisyo tulad ng mga diskwento sa mga gastusin sa paglalakbay at mag-aalok ng mga kupon para magamit sa mga tourist spots at mga tindahan ng souvenir.
Sinasabi ni Komeito na dapat itong mabigyan ng kaunti pang panahon hindi bababa sa hanggang sa kapaskuhan sa susunod na taon dahil ang paglalakbay patungo sa at mula sa Tokyo ay isinama lamang sa kampanya dalawang buwan pagkatapos ng paglulunsad nito noong Hulyo.
Dagdag pa ng partido na dapat magtalaga ng mas malaking pondo ang gobyerno para sa kampanya at hikayatin ang mga tao na gamitin din ito sa weekdays , dahil kasalukuyang ginagamit ito twing weekend lamang.
Kasama rin sa mga panukala ng partido ang pagtaas ng suportang pampinansyal sa mga munisipalidad, pati na rin ang pamamahagi ng mga handheld computer tablets sa mga mag-aaral na nasa high school bilang bahagi ng pagsisikap na paunlarin ang isang environment para sa online schooling.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation