NAGOYA
Ang mga estudyante ng Japanese langauge school sa Aichi ay mabibigyan ng 1 year visa pagkatapos mag graduate upang magkapaghanap ng trabaho sa Japan.
Ang prefecture, na tahanan ng Toyota Motor Corp, na kamakailan ay itinalaga bilang isang espesyal na strategic zone, ay umaasang mabigyan ang mga lokal na kumpanya ng mas mahusay na pag-access sa mga dayuhang mag-aaral.
“Marami sa prefecture, lalo na ang manufacturing, na sumusulong sa ibang bansa sa mga lugar tulad ng Timog-silangang Asya,” sinabi ng isang opisyal ng Aichi. “Nais naming manatili ang mga foreign students para maging bahagi ng work force.”
Ang mga Japanese language school ay kinakailangang magsagawa ng regular na pagpupulong kasama ang mga nagtapos na estudyante at ipakilala sila sa mga prospective na employer.
© KYODO
Join the Conversation