Japan, China na tinatalakay ang pagpapatuloy sa business travels

Inaasahan ng gobyerno ng Japan na ipagpatuloy ang mga business trips sa bansa sa lalong madaling panahon upang makatulong na buhayin ang ekonomiya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan, China na tinatalakay ang pagpapatuloy sa business travels

Patuloy ang pag-uusap ng Japan at China upang maipagpatuloy ang mga business trips sa pagitan ng dalawang bansa nitong Oktubre.

Unti-unting binawasan ng gobyerno ng Japan ang mga paghihigpit sa entry restrictions upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus. Ipinagpatuloy na nito ang business trips kasama ang South Korea, Singapore at iba pa.

Sinabi ng mga government sources na kasalukuyang tinatalakay ng mga opisyal kung paano hawakan ang mga test results para sa coronavirus habang gumagamit ang Japan at China ay may iba’t ibang mga pamamaraan sa testing methods para sa mga papasok na biyahero.

Sinabi pa ng Japanese Foreign Minister na si Motegi Toshimitsu noong Martes na walang pangunahing sticking point at sinusubukan lamang ng dalawang panig na alamin ang isang sistema na katugma sa mga alituntunin na maiwasan ang pagkalat ng mga impeksyon.

Ang bansa na mayroong pinakamaraming bilang ng mga business travelers sa Japan noong nakaraang taon ay ang China, na may halos 370,000 na mga bisita.

Inaasahan ng gobyerno ng Japan na ipagpatuloy ang mga business trips sa bansa sa lalong madaling panahon upang makatulong na buhayin ang ekonomiya.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund