HYOGO – Inilunsad ng Hyogo Prefectural Police ang isang imbestigasyon matapos matuklasan ang isang bangkay sa mga bundok ng Lungsod ng Himeji nitong Lunes, ayon sa ulat ng Kobe Shimbun (Oktubre 19).
Sinasabing dakong 4:20 ng hapon, isang 44 taong gulang na lalaki na namumutol ng damo sa Yamawaki Shigocho ang nag-report sa kapulisan matapos nitong matagpuan ang bangkay.
Ang mga opisyal mula sa Shikama Police Station ang rumisponde sa crime scene, na halos 700 metro timog-silangan ng JR Higashi-Himeji Station, kung saan natagpuan ang bangkay na nakahiga.
Ipinakita sa isinagawang pagsusuri sa katawan, ang bungo ay halos kalansay na. Wala rin mga palatandaan ng panlabas na mga sugat.
Dahil sa pagkabulok, ang tinatayang edad at kasarian ng tao ay hindi matukoy , pahayag ng mga imbestigador.
Ang katawan ay nakabalot sa stockings. Isang beige coat at sapatos ang natagpuan din sa lugar.
Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation