NAHA – Sinabi ng Chief Cabinet Secretary na si Katsunobu Kato noong Sabado na hindi babaguhin ng gobyerno ng Japan ang plano nitong ilipat ang pangunahing base militar ng Estados Unidos sa loob ng katimugang isla ng Okinawa.
Sa kanilang pagpupulong sa Kapital ng Prepektura ng Naha, sinabi ng Gobyernador ng Okinawa na si Denny Tamaki na iginiit ang pagtutol ng pamahalaang lokal sa paglipat ng US Marine Corps Air Station Futenma sa baybaying lugar ng Henoko ng Nago mula sa isang liblib na lugar sa Ginowan.
Si Kato, na ang portfolio ay naglalaman ng pagpapagaan ng epekto ng puwersa ng Estados Unidos sa Okinawa, sinabi niya kay Tamaki, “Naniniwala kami na ang tanging solusyon ay ang paglilipat ( ng base) sa Henoko.”
Si Kato ay bumibisita sa prepektura sa kauna-unahang pagkakataon mula nang siya ay maupo sa pwesto noong nakaraang buwan.
Ang Pamahalaang Central at Okinawa ay matagal nang hindi nagiiba ng planong paglipat ng base na pinagkasunduan ng Tokyo at Washington noong 1996.
Hiniling din ni Tamaki kay Kato na magsagawa ng pagpupulong na kabibilangan ng Pamahalaang Sentral, Okinawa at Ginowan, na naglalayong mabawasan ang mga peligro ng Futenma base, sa lalong madaling panahon.
Bilang tugon, sinabi ni Kato, ” Sa paggamit ng gayong framework, ninanais naming isulong ang mga hakbang upang mabawasan ang mga pasanin.”
Bago ang pag-pupulong sa main office ng prefectural government, magkahiwalay na nakipagtagpo si Kato kina Naha Mayor Taketoyo Toguchi at Ginowan Mayor Masanori Matsugawa.
Inispeksyon rin niya ang base ng Futenma mula sa tuktok ng city hall ng Ginowan at iba pang pangunahing pasilidad ng militar ng Estados Unido sakay ng isang helikopter.
Source: Japan Today
Join the Conversation