Iniimbestigahan ang tangkang pagpatay sa isang lalaki at natagpuang ang ina at lola na parehong walang buhay habang ang ama ay ginilitan sa leeg  

Habang siya ay sinusugod sa hospital , kaniyang inamin na pinagtangkaan niyang kitilin ang buhay ng anak " Sinubukan namin ng aking asawa na patayin ang aming anak."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIniimbestigahan ang tangkang pagpatay sa isang lalaki at natagpuang ang ina at lola na parehong walang buhay habang ang ama ay ginilitan sa leeg   

NIIGATA – Iniinbestigahan ng Niigata Prefectural Police ang sang lalaki at kanyang asawa sa pagtatangkang patayin ang kanilang anak na lalaki sa Lungsod ng Nagaoka noong Martes bago siya at ang kanyang ina ay natagpuang patay habang ang ama ay nagtangkang magpakamatay, iniulat ng NHK (Oktubre 8).

Dakong 6:00 ng umaga, sina Osamu Kanaizumi, 51, at asawa niyang si Sanae, ay sinubukan ang iba’t ibang di matukoy na pamamaraan upang subukang patayin ang kanilang anak sa loob kanilang tirahan, na matatagpuan sa lugar ng Nakanoshima.

Matapos makahingi ng saklolo ng batang lalaki na
tumawag dahil sa pagkabalisa, agad na nakarating ang mga police and emergency personnel kung saan natagpuan sina Sanae, 51, at ang kanyang ina na 80 taong gulang na si Fumiko na mga wala ng buhay sa ibabaw ng isang kama.

Natagpuan din ng mga pulis si Osamu na may hiwa ng kanyang lalamunan at pulso. Habang siya ay sinusugod sa hospital , kaniyang inamin na pinagtangkaan niyang kitilin ang buhay ng anak ” Sinubukan namin ng aking asawa na patayin ang aming anak.”

Ang apat na katao ay ninirahan sa iisang bahay. Ang batang lalaki ay hindi nasaktan at ligtas. “Inatake ako ng aking mga magulang habang ako natutulog ,” sabi ng bata. “Dahil malapit na akong mapatay, tumakas ako.”

Iniimbestigahan ng kapulisan ang mga pangyayaring humantong sa dalawang kamatayan,
Kasalukuyan tininingnan ang anggulo ng murder – suicide.

Source: Tokyo Today

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund