KAGOSHIMA
Ang parents ng 3 years old at 1 year old na mga batang babae ay binigyan ng suspendido na sentensya sa kulungan noong Martes sa pag-iwan ng kanilang mga anak bahay sa Kagoshima habang nagstay silang mag asawa sa hotel nang higit sa isang linggo matapos matanggap ang cash handout ng COVID-19 mula sa gobyerno.
Si Mitsugu Yamamoto, 28, at asawa niyang si Kazuki, 24, na kinasuhan ng kapabayaan ng magulang, ay nahatulan ng dalawang taon sa bilangguan, nasuspinde ng apat na taon. Sa kanyang desisyon, sinabi ng Hukom na si Kanji Tomita sa Kagoshima District Court, “Ito ay isang krimen na nagdulot ng isang mataas na peligro sa buhay, “lalo na para sa mas maliit na batang babae na natagpuan na severely dehydrated.
Bagaman hinihingi ang mga tagausig ang isang termino ng pagkabilanggo ng dalawang taon para sa mag-asawa, pinahintulutan ng korte na suspindihin dahil ipinahayag ng ina ang kanyang balak na alagaan ang mga batang babae sa pamamagitan ng pagsunod sa payo ng mga social worker at ng kanyang sariling magulang, aniya.
Ang mag-asawa ay nanatili sa isang budget hotel sa Kagoshima sa pagitan ng Hulyo 11 at 21, at umuwi ng maraming beses upang pakainin ang kanilang mga anak na babae ngunit hindi nila ito inuwian sa pagitan ng Hulyo 15 at 20.
Parehong namang umamin sa mga paratang ang dalawa.
Sa panahon ng paglilitis sa kanila, sinabi ng ina na naisip nila ang paggamit ng mga cash handout na 100,000 yen bawat tao na ibinigay sa lahat ng mga residente sa Japan upang bayaran ang hotel, dahil siya ay “pagod sa trabaho at nais na makawala sa pangangalaga ng bata sa magulong bahay . ”
Sa kasalukuyan, ang dalawang batang babae ay wala namang mga problema sa kalusugan, ayon sa abugado ng mag-asawa.
© KYODO
Join the Conversation