SAGA — isang babae na nag-mula sa Tokyo na bumyahe sa mga prepektura ng Aichi, Nagasaki at Saga na gumamit ng “Go To Travel” na programa ng pamahalaan ang nag-positibo sa Novel Corona Virus, mula sa anunsiyo ng Saga Prefectural Government nuong ika-4 ng Oktubre.
Ito ang unang kaso na pina-niniwalaang nag-marka sa unang pagkaka-taon na ang isang taga-Tokyo na gumamit ng Go To Travel campaign (na pumapakay upang mai-salba ang matinding tinamaan ng pandemiya ng industriya ng turismo) ang nag-positibo sa virus, mula nang isali sa nasabing programa ang kapitolyo ng Japan nuong ika-1 ng Oktubre.
Ayon sa pamahalaan ng prepektura ng Saga, ang babae na emplyeyado sa isang kumpanya na nag-eedad ng 20’s ay dumating sa Prepektura ng Aichi sa central Japan nuong ika-30 ng Septyembre kasama ang kanyang ina. Matapos nuon ay binisita nila ang southwestern prefecture na Nagasaki nuong ika-1 ng Oktubre at ang kalapit nitong prepektura ng Saga nuong ika-2 ng Oktubre. Sila ay nag-overnight sa bawat prepekturang nabanggit.
Dahil ang isa sa mga katrabaho ng babae ay napag-alamang nahawaan ng coronavirus nuong ika-1 ng Oktubre, ang kumpanya nila sa Tokyo ay sinabihan siyang magpa-suri nb polymerase chain reaction test. Bilang pag-sunod, bumisita ang babae sa isang medical institution sa Saga Prefecture nuong ika-2 ng Oktubre at ang resulta ay bumalik na positibo pagkaraan ng isang araw. Negatibo naman ang resulta ng pag-susuri sa kanyang ina.
Ang babae ay nag-sabi sa mga opisyal na, “Pumunta ako sa Nagasaki at Saga gamit ang Go To Travel campaign.”
Habang nasa byahe, ang babae ay naka-suot ng mask. Ang babae at ang kanyang ina ay lumipad mula Aichi patungong Nagasaki at gumamit ng tren nuong bumyahe mula Nagasaki patungong Saga. Habang nasa Saga, hindi naman siya lumabas mula sa kanyang tinutiluyang pasilidad maliban na lamang nuong siya ay pumunta sa medical facility. Sinabi rin ng mga opisyal na wala namang nai-ulat na taong nagkaroon ng close contact sa mag-ina o mayroong sumama ang pakiramdam o nagka-sakit sa Saga Prefecture.
Ang babae ay walang sintomas ng CoVid-19 habang siya ay bumyahe. Nag-sabi ng isang opisyal ng pamahalaan ng Saga na, ” Makatuwiran na isipin na siya ay mayroon nang virus sa Tokyo pa lamang at bumyahe nang walang sintomas. Ang mag-ina ay tinatangkilik ang kanilang bakasyon habang iniiwasan ang “three C’s” (confined spaces, crowded places and close contact with others.)
Isang paalala para sa mga byahero mula sa Tokyo, sinabi ng opisyales na, ” Nais namin na kayo ay bumisita sa Saga Prefecture habang sinusunod ang proper (virus prevention) measures.”
(Japanese original by Mio Ikeda, Saga Bureau)
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation