Bangkay na natagpuan sa ilog na kinilala bilang ang nawawalang taga- Fukuoka na babae

Hindi isiniwalat ng kapulisan kung kanilang napagalaman ang sanhi ng kamatayan ng biktima.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBangkay na natagpuan sa ilog na kinilala bilang ang nawawalang taga- Fukuoka na babae

SAGA – Ipinahayag ng Saga Prefectural Police noong Lunes ang isang bangkay na natagpuan sa ilog ng Lungsod ng Tosu mas maaga sa buwang ito ay ang matandang babae na naiulat na nawawala, ayon sa ulat ng Saga Shimbun (Oktubre 26).

Dakong 3:25 ng hapon nitong Oktubre 22, isang mangingisda edad 50, ang nag-ulat na may bangkay na lumulutang sa Homan River mga 600 metro timog ng Sakai Higashi Bridge sa Mizuyamach area.

Ayon sa Tosu Police Station, ang resulta ng DNA Analysis na isinagawa ay nagbigay daan sa pagkakakilanlan ng katawan ng isang babae na nasa edad 80 na nakatira sa Lungsod ng Fukuoka , Prepektura ng Fukuoka.

Isang kamag-anak na nakatira kasama ang babae sa Lungsod ng Fukuoka – na matatagpuan halos 30 kilometro mula sa Tosu – ay iniulat na nawawala ang matandang babae sa kapulisan sa kalagitnaan ng buwan na ito.

Nauna nang sinabi ng mga pulis na ang babae ay namatay ng ilang araw bago ito natagpuan. Ang mga labi ay hindi kinakitaan ng anomang palatandaan ng panlabas na mga sugat.

Hindi isiniwalat ng kapulisan kung kanilang napagalaman ang sanhi ng kamatayan ng biktima.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund